Inspiration

Tuesday 27 December 2011

Tunog ng Kulog


Tunog ng Kulog
(Sagot sa tula ni Therese “Lahat Napapatula kung Langit Lumuha” 2)


Nakakabingi ang katahimikan
Katahimikang inaasam – asam
Sa mundong ibabaw
Sa mga taong nais abutin
Abutin ang rurok ng
Pinakamataas na bundok
Bundok na puno ng pakikibaka
Walang tiyak ng patutunguhan
Hindi alam ang kahihinatnan
Kung ang tuwid na daan
Ay makakarating sa patutunguhan
Walang pakialam, kahit sino
Masagasaan, basta ba makamit

Ang mithiin, kaya napuno
Ang sanlibutan ng samu’t – saring
Ingay, hindi alintana
Kahit kanino, mapatid kaya?
Hanggang sa kapusin
Malagutan ng hininga,
Hindi man lang makuhang pagmasdan
Kahit sila ay nakaharang sa daan
Hindi man lang makuhang lumingon
Basta lang ba aabot sa patutunguhan,
Kahit karapatan niyurakan,
Walang nakakaalam sa abang kalagayan
O sadya bang nagbingi – bingihan
O, kay lupit ng tadhanang sinapit…

Hanggang sa umugong
Ang nakakabinging tunog
Tunog na dala ng kulog
Nahihintakutan laha
Sa isip ano kaya ang kasunod?
Napahiyaw ang nais sumigaw
Nabuhayan ng loob
Pati ang tinakasan ng ulirat
Nanunuot ang ligayang dulot
May sumilay na ngiti
Mula sa pisngi, ng mapupulang langit
Tiyak papawi, sa pighati
Sa kaibuturan ng puso
Ng bawat nilalang
May kumakatok
Ang dumadagundong, nakakatuliro
ANG KULOG…



No comments:

Post a Comment